Thursday, May 1, 2008

Ngiti

Minamasdan Kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik...

Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sa iyo ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin...

No comments: